Hindi makapag-sign in sa serbisyo ng third-party

 

Maaari kang ma-block sa pag-sign in sa iyong Google Account sa ilang serbisyo kapag hindi namin ma-verify na ikaw talaga iyon. Kapag naka-block ang iyong pag-sign in, malamang na aabisuhan ka sa ginagamit mong serbisyo sa pamamagitan ng sumusunod:

  • Isang pangkalahatang error na nagsasabing hindi matagumpay ang iyong pag-sign in.
  • Isang error na nagsasabing mali ang iyong password at username, kahit tamang impormasyon ang inilagay mo.

Tandaan: Kung may account ka sa iyong trabaho, paaralan, o iba pang organisasyon, maaari kang humingi ng tulong sa iyong administrator.

Bakit ka na-block sa pag-sign in

Maaaring na-block ka sa pag-sign in sa iyong Google Account kung:

  • Ang serbisyo kung saan ka nag-sign in ay hindi nagbibigay ng sapat na impormasyon para patunayang ikaw talaga iyon.
  • Nag-sign in ka mula sa isang bagong lokasyon o device.

Makakuha ng mga tip sa pag-troubleshoot

Gumamit ng pinagkakatiwalaang device at lokasyon

  • Maaaring ma-block ang iyong pag-sign in kung bago ang device at lokasyong ginagamit mo. Subukang muli sa isang device o lokasyon kung saan ka karaniwang nagsa-sign in.
  • Mag-sign in sa iyong Google Account sa bagong device at subukang muli sa susunod na linggo.

I-update ang app

Kung sinusubukan mong mag-sign in sa iyong Google Account mula sa isang app, tiyaking ginagamit mo ang pinakabagong bersyon ng app. Maaaring gumagamit ang pinakabagong bersyon ng app ng mas secure na teknolohiya sa pag-sign in.

Lumipat sa mas secure na serbisyo

Kung hindi ka pa rin makapag-sign in sa site, app, o program na ginagamit mo, pag-isipan ang paglipat sa isang serbisyong gumagamit ng mas secure na teknolohiya sa pag-sign in, tulad ng Pag-sign in sa Google.

Maaari mo ring pag-isipan ang paggamit ng serbisyo ng Google gaya ng Gmail. Gumagamit ang lahat ng serbisyo ng Google ng mga pinakabagong panseguridad na hakbang.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8618826895545123907
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false