Magbahagi ng impormasyon sa paggamit at mga diagnostic sa Google

Para tulungan kaming pahusayin ang Android, puwede mong payagan ang iyong device na magpadala sa amin ng impormasyon tungkol sa kung paano mo ito ginagamit at kung paano ito gumagana.

Kung may naka-on kang karagdagang Aktibidad sa Web at App, puwedeng i-store ang impormasyong ito sa account mo. Kung mayroon, makikita at made-delete mo ito sa Aking Aktibidad. Ginagamit namin ang impormasyong ito para i-personalize pa ang iyong mga serbisyo ng Google, at para pahusayin ang aming mga produkto at serbisyo para sa lahat.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 8.0 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Anong impormasyon ang ibinabahagi sa Google

Kung io-on mo ang paggamit at mga diagnostic, magpapadala ang iyong device ng impormasyon sa Google tungkol sa kung ano ang gumagana at hindi gumagana. Halimbawa, maaaring magpadala ang iyong device ng impormasyon tulad ng:

  • Antas ng baterya
  • Gaano mo kadalas ginagamit ang iyong mga app
  • Kalidad at tagal ng iyong mga koneksyon ng network (tulad ng mobile, Wi-Fi, at Bluetooth)

I-on o i-off ang paggamit at mga diagnostic

Mahalaga: Kung io-off mo ang paggamit at mga diagnostic, makakatanggap pa rin ng mahahalagang serbisyo ang iyong device, tulad ng bagong bersyon ng Android. Kahit i-off ang paggamit at mga diagnostic, hindi nito maaapektuhan ang impormasyong posibleng kolektahin ng mga app.

Para piliin kung magpapadala sa Google ng impormasyon ng paggamit at mga diagnostic:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Google At pagkatapos Higit pa Higit pa At pagkatapos Paggamit at mga diagnostic.
  3. I-on o i-off ang Paggamit at mga diagnostic.

Tip: Kung gagamit ka ng nakabahaging device, posibleng baguhin ng ibang profile ng user ang setting na ito.

Paano ginagagamit ng Google ang impormasyong ito

Ginagamit ng Google ang impormasyon sa paggamit at mga diagnostic para pahusayin ang mga produkto at serbisyo, tulad ng mga Google app at Android device. Ang lahat ng impormasyon ay ginagamit alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng Google.

Halimbawa, puwedeng gamitin ng Google ang impormasyon sa paggamit at mga diagnostic para pahusayin ang:

  • Tagal ng baterya: Puwedeng gamitin ng Google ang impormasyon tungkol sa kung ano ang pinakamalakas kumonsumo ng baterya sa iyong device para makatulong na mabawasan ang pagkonsumo ng baterya para sa mga karaniwang feature.
  • Pag-crash o pag-freeze sa mga device: Puwedeng magamit ng Google ang impormasyon tungkol sa kung kailan nagka-crash o nagfi-freeze ang mga app sa iyong device para makatulong na gawing mas maaasahan ang operating system ng Android.

Makakatulong din ang ilang pinagsama-samang impormasyon sa mga partner, tulad ng mga developer ng Android, na mas mapahusay ang kanilang mga app at produkto.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5439357209924820051
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
70975
false
false