Kapag nag-o-optimize ng mga campaign, mahalagang maunawaan ang mga pagbabago sa performance. Gayunpaman, puwedeng mahirap at nakakaubos ng panahon ang pagtukoy sa mga pagbabagong ito. Sa pamamagitan ng mga paliwanag, makikita mo ang mga dahilan ng pagbabago sa performance sa isang pag-click lang, para kaunting panahon lang ang magugugol mo sa pagsisiyasat at mas maraming oras sa pag-optimize. Para mas maunawaan mo ang performance sa mas maraming campaign, isasasama na rin namin ang mga paliwanag sa mga Search campaign na gumagamit ng Target na CPA.
Sa pamamagitan ng update na ito, makikita mo ang dahilan ng malalaking pagbabago sa gastos at mga conversion para sa mga Search campaign na gumagamit ng Target na CPA. Halimbawa, masasabi sa iyo ng mga paliwanag kung nakaapekto sa performance ng campaign o ad group mo ang mga pagbabago sa target na CPA, mga limitasyon sa bid, badyet, at higit pa.
Habang ginagamit ang mga paliwanag, tandaan ang sumusunod:
- Puwede lang magkumpara ang mga paliwanag ng dalawang yugto ng panahon na pareho ang haba sa loob ng nakalipas na 90 araw
- Puwede lang maipakita ang mga paliwanag para sa mga campaign na may mga kapansin-pansing pagbabago sa performance
Patuloy naming papalawakin ang mga paliwanag sa mga darating na buwan. Matuto pa tungkol sa mga paliwanag sa Help Center ng Google Ads.
Na-post ni Chloe Xu, Product Manager, Google Ads