Ayusin ang mga problema sa pag-download ng mga app gamit ang mga pangunahing hakbang sa pag-troubleshoot

​Subukan ang mga hakbang sa ibaba kung:

  • Hindi umuusad at hindi natatapos ang iyong mga pag-download at pag-update ng app.
  • Hindi ka makapag-download o makapag-install ng mga app o laro mula sa Google Play Store.
  • Hindi ka makapag-download ng mga aklat o iba pang content sa Google Play.
  • Hindi mo talaga mabuksan ang Google Play Store app.

Mga pangunahing hakbang sa pag-troubleshoot

Suriin ang iyong koneksyon sa Wi-Fi o mobile data
  • Tiyaking mayroon kang malakas na koneksyon sa internet. 
  • Pinakamainam kung makakakonekta ka sa Wi-Fi network.
  • Kung wala kang access sa Wi-Fi, tiyaking malakas ang iyong koneksyon ng mobile data.

Pagkatapos mong suriin ang iyong koneksyon sa internet, subukang mag-download ulit. Para makakuha pa ng tulong sa mga problema sa koneksyon, pumunta sa Ayusin ang mga problema sa koneksyon sa internet sa mga Android device.

Suriin ang espasyo ng iyong storage

  • Kung kaunti na lang ang storage space sa iyong device, posibleng ihinto nito ang pag-download at pag-install ng mga app.
  • Posibleng kaunti na lang ang espasyo sa iyong device kung:
    • Makatanggap ka ng notification tungkol sa storage space.
    • Kulang na sa 1 GB ang espasyong available sa iyong device.
  • Para makakuha ng tulong sa storage space sa Android, pumunta sa Magbakante ng espasyo.
Tingnan kung may mga update sa system ng Android
  1. Sa Android phone o tablet mo, buksan ang iyong app na Mga Setting.
  2. I-tap ang System at pagkatapos ay Update sa system.
  3. Ipapakita ang iyong status ng pag-update.
  4. Para mag-download o mag-install ng mga update, sundin ang mga tagubilin sa screen.
Tip: Kung gumagamit ang iyong device ng Android 2.2 o mas luma, posibleng hindi gumana nang maayos ang Google Play. Makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device para sa tulong.
Isara at buksan ulit ang Google Play Store
  1. Sa iyong Android device, mag-swipe pataas mula sa ibaba, pumindot nang matagal, saka bumitaw.
  2. Para isara ang Google Play Store app, mag-swipe pataas dito.
  3. Para buksan ulit ang app, i-tap ang Google Play Store app Google Play.
I-restart ang iyong device
  1. Pindutin nang matagal ang Power button.
  2. I-tap ang I-off o I-restart.
  3. Kung hindi magre-restart ang iyong device, pindutin nang matagal ang Power button hanggang sa mag-on ulit ang iyong device.​

Humingi pa ng tulong

Kung hindi gumana ang mga hakbang sa itaas, pumili ng link sa ibaba para tingnan ang mga advanced na hakbang sa pag-troubleshoot. 

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
780296345796396280
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
84680
false
false